Ito ay matapos gawaran ng ranggong Honorary Auxiliary Commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary si Pacquiao noong Miyerkules kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan nito.
Ang ranggong Commodore ay katumbas ng Brigadier General o One-Star rank sa Coast Guard at Navy.
Ayon kay Pacquiao, committed sya na ipahiram sa Coast Guard at sa Coast Guard Auxiliary ang kanyang mga yate at helicopter sakaling magkaroon ng maritime search and rescue o disaster response.
Sinabi naman ni LT Jay Tarriela ng Coast Guard Station Sargen na kusang loob na inihayag ni pacman ang intensyon nitong sumali at makatulong sa PCGA.
Kasama ni Manny ang ina nito na si Mommy Dionesia at asawa na si Jinky sa ginanap na oath taking at donning ceremonies na pinangunahan ni Coast Guard Vice Commandant RADM William Melad.
Samantala, magiging miyembro ng Executive Squadron ng PCGA si COMMO PACQUIAO kasabay ng pagpasok nito sa civilian volunteer arm ng Coast Guard.
(Buhay Marino Radyo, 20 December 2014 broadcast)